Wednesday, September 2, 2009

WIKANG FILIPINO:Mula Baler hanggang buong Bansa

Ang wikang Filipino ang ating pambansang wika kaya't nararapat lamang na tangkilikin natin ito. Dapat natin itong pagyamanin sapagkat dahil dito kaya nagkakaintindihan ang bawat Pilipino.

Gamitin natin ang wikang Filipino para magkaintindihan at mag-unawaan . Huwag dapat natin itong tatalikuran sapagkat dito tayo nagsimula. Kahit na ano pa ang ating gamit na salita basta alam natin gamitin ang wikang Filipino. Dahil sa ating wikang Filipino kaya nagkakaintindihan tayo. Kung ito ay tatangkilikin natin may pagkakaisa tayo.

Alam natin na marami na ang nakakalimot sa ating pambansang wika dahil sa kanilang pangingibang bansa. Kinakalimutan nila ito dahil parang nandidiri sila. Pero hindi ba nila alam na kung hindi dahil dito hindi nila mararating ang kinaroroonan nila ngayon. Kaya hindi natin ito dapat talikuran. Dapat natin itong pagyamanin.

2 comments: